BEIJING (AFP) – Isang babae na armado ng patalim ang umatake at sumugat sa 14 na bata sa isang kindergarten sa probinsiya ng Sichuan sa timog silangang China kahapon.

Gumamit ang 39-anyos na salarin ng kitchen knife para laslasin ang mga estudyante habang pabalik sa silid–aralan matapos ang morning exercises, sinabi ng Banan district public security bureau sa Chongqing city sa official social media account nito.

Ipinakita sa mga litrato at video ang mga bata na duguan ang damit, at ang ilan ay may sugat sa mukha.

Nasa kustodiya nang pulisya ang babaeng suspek at patuloy na iniimbestigahan. Nangyari ang pag-atake dakong 9:30 ng umaga.
Internasyonal

Joe Biden, kinondena 'assassination attempt' kay Donald Trump