Nagbigti ang isang dalagita nang hiwalayan ito ng kanyang nobyo dahil tutol ang magulang sa kanilang relasyon sa Valenzuela City, kamakalawa ng tanghali.

Nadiskubreng nakabigti ang biktima, 14, sa bahay ng tiyuhin nito sa Barangay Gen. T. De Leon ng lungsod, bandang 11:30 ng tangahali.

Ayon sa mga kaklase ng dalagita, hiniwalayan ito ng kanyang nobyo nang malaman ng magulang ng lalaki ang kanilang relasyon.

Nagpadala umano ng mensahe ang biktima sa kanyang mga kaklase, sa pamamagitan ng Facebook, at sinabing, “Sorry sa lahat mga friends, sana makatapos kayong lahat ng pag-aaral at patawarin n’yo ako sa gagawing pagpapakamatay. Pumunta kayong lahat sa burol ‘pag hindi mumultuhin ko kayo!”

Akbayan, kinatigan kilos-protesta kontra mina sa Dupax Del Norte

Makalipas ang isang araw, nabalitaan nila na nagbigti ang biktima.

Nakitira ang biktima sa kanyang tiyuhin matapos na maulila sa ama.

-Orly L. Barcala