MATUNOG ang balitang malapit nang mamaalam ang Victor Magtanggol ni Alden Richards at kung totoo ito, malinaw na hindi na naman kinaya ng katapat na show ang super power ni Coco Martin bilang si Cardo Dalisay sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Alden copy

Mukhang totoo nga ang sabi ni Regine Velasquez na may anting-anting si Coco dahil ilang programang katapat ng Ang Probinsyano sa GMA 7 ang pinadapa nito.

Isa rin ba siya sa pinamanahan ng ‘anting-anting’ ni Senator Ramon Revilla, Sr. na nakilala sa mga pelikulang may kinalaman sa agimat tulad ng Nardong Putik (1972); Pepeng Agimat (1973); Hulihin si Tiagong Akyat (1973); Kumander Agimat (1975); Tonyong Bayawak (1980); Lumaban ka Satanas (1983); Kapitan Inggo: Kumakain ng Bala (1984); Nardong Putik version 11 (1984); Alyas Pusa: Ang Taong may 13 na Buhay (1988); Pepeng Kuryente (1988); Joaquin Burdado (1988); at Mahiwagang Daigdig ni Elias Paniki (1989)?

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

O baka naman dahil ginagabayan si Coco ni Da King Fernando Poe, Jr. para lalong mapaganda ang aksyon-serye niyang Ang Probinsyano?

“Feeling ko kaya tumagal ang show ni Cardo kasi marami siyang natutulungan at matutulungan pa, kaya lahat ng mga taong iyon, nanalangin na laging mataas ang ratings at maraming sponsors.”

Katwiran ng ilang artista, malaki ang naitulong ng show sa kanilang buhay at career at hanggang ngayon ay nandoon pa rin sila.

Sabi naman ng avid viewer ng AP, “kung sinuman ang papalit kay Alden, goodluck kamo. Mukhang naikot na lahat ng artista nila ang tatapat kay Cardo.”

Well, malaking bentahe nga kasi na ang tumatakbong kuwento ng Ang Probinsyano ang siyang nangyayari ngayon sa bansa maliban sa pag-kidnap sa Presidente ng Pilipinas.

Masarap din kasing pagkuwentuhan ng viewers ang kuwento ng programa habang kumakain o nagpapalipas oras pagkatapos ng trabaho.

Hmm, trulili ba, extended ulit ang programa ni Coco?

“Bakit mo aalisin ang programang kumikita at mataas ang ratings?” kaswal na sabi sa amin ng taga-Dos.

-REGGEE BONOAN