MAGTATANGKA si Marco John Rementizo na iuwi sa Pilipinas ang WBC Asian Boxing Council miminumweight title na hawak ng walang talong si Thai Tanawat Nakoon sa sagupaan sa Biyernes sa 12 rounds na sagupaan sa Rangsit International Stadium, Rangsit, Bangkok, Thailand.

Pinakamalaking laban ito ni Rementizo mula nang magsimulang magboksing noong 2017 bagama’t impresibo ang ipinakita niya sa kanyang huling laban nang talunin via 7th round TKO ang beterano at dating WBC ABC Continental minimumweight titlist na si Donny Mabao noong nakaraang Agosto 27 sa Baliguian Municipal Gym, Baliguian, Zamboanga del Norte.

Naisuot ni Nakoon ang bakanteng WBC regional belt nang talunin sa 10-round unanimous decision si Melanius Mirin ng Indonesia noong Enero 26, 2018 sa Rangsit, Thailand.

May rekord si Nakoon na perpektong 9 panalo, 4 sa pamamagitan ng knockouts kumpara kay Rementizo na may 8 panalo, 2 talo na may 5 pagwawagi sa knockouts.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

-Gilbert Espeña