NAKIPAGHATIAN ng puntos si Filipino chess wizard Clark Jemuel Cabatian kontra kay Sasinat Tawankanjana ng Thailand sa seventh round bago talunin si Daniel Jueun Hyun ng Korea sa eight at penultimate round para makalapit sa pinaka-aasam na titulo sa Thailand Pattaya Youth Chess Championship sa Bay Beach Resort Pattaya, Banglamung, Chin Buried, Thailand.

NAKIPAGKAMAY si Filipino chess wizard Clark Jemuel Cabatian sa karibal na si Daniel Jueun Hyun ng Korea bago ang kanilang laban

NAKIPAGKAMAY si Filipino chess wizard Clark Jemuel Cabatian sa karibal na si Daniel Jueun Hyun ng Korea bago ang kanilang laban

Ang 8-anyos na si Cabatian, Grade 3 pupil ng John Isabel Learning Center sa General Trias City, Cavite ay suportado nina General Trias City Mayor Antonio “Ony” Ferrer at Congressman Luis “Jon-jon” Ferrer.

Una dito ay nakakitaan ng husay si Cabatian sa pagkamada ng panalo kontra sa kababayang si Kezia Ruth Liboon ng Pilipinas sa first round, kay Vihaan Anup Kumar ng Australia sa second round, kay Gantulga Ariun-Erdene ng Mongolia sa third round, kay Jirath Punyanitya ng Thailand sa fourth round at kay Purichaya Chinkulkitniwat ng Thailand sa fifth round.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Overall, ang prize fighter ng General Trias City Chess Club na nasa kandili ni PH coach Ederwin Estavillo ay may 6.5 puntos sa Under 8 division. Makakalaban ni Cabatian sa ninth-round assignment ay si Thunpisit Pa-In ng Thailand