“MASAYANG-masaya po talaga ako na nominate ako kahit na nag-uumpisa pa lang po ako sa showbiz. Isang karangalan na po ‘yun sa akin kahit hindi ako ang nanalo,” bungad na sabi sa amin ni Pauline Mendoza nang makatsikahan namin sa kanyang posh birthday celebration kasama ang kanyang Team Pauline fans.

Pauline copy

Nagpapasalamat si Pauline sa PMPC na napansin ang kanyang kakayahan sa pag-arte sa teleseryeng Kambal Karibal at isa nga siya sa mga naging nominado bilang Best Supporting Drama Actress sa nasabing gawad-parangal.

Ang nakatapat ni Pauline ay ang mga beteranang aktres tulad nina Susan Roces, Lorna Tolentino, Eula Valdez at Mylene Dizon. Malaki rin ang pasasalamat niya sa GMA Artist Center na nangangalaga sa kanyang showbiz career.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“Salamat po talaga sa PMPC. Isang karangalan na po ‘yung ma-nominate ako, ganoon din sa Artist Center na hindi pinababayaan ang aking career. Big deal na po talaga sa akin ang maging isa sa nominado. Anyway there’s always a second chance, third chance and hope more chances to come lalo na at baguhan pa lamang ako sa showbiz industry natin.

“Pagkatapos po ng Kambal, Karibal ay isasama ako ng GMA7 bossings sa Cain at Abel. Suwerte ko nga, laging sa primetime ang serye nasasamahan ko,” ngiting-ngiting kuwento ng young actress.

Tsika pa ni Pauline, may limang araw na raw silang nagsu-shooting. Super bait nga raw ni Dingdong Dantes, na isa sa mga bida ng serye.

“Nagulat nga po talaga ako dahil kilala pa po ako ni Kuya Dingdong. Akala ko makakalimutan na niya ako. Ganoon din po si Ate Marian (Rivera). Gusto ko pong lapitan at batiin si Ate Marian pero nahihiya po ako. Nagulat ako nang tawagin niya ako at tawagin ang aking pangalan. Napapanood po pala niya ako sa Alyas Robinhood noon kaya kilala niya ako,” proud niyang sabi dahil nga tipong fan na fan siya ng nag-iisang Marian Rivera at dream niya talaga niyang makasama si Yanyan sa teleserye o kaya sa pelikula in the future.

And who knows, baka nga pagkatapos manganak ng napakagandang aktres sa kanilang ikalawang baby ni Papa Dingdong, ay mabigyan agad ito ng project ng GMA-7.

At malay n’yo, baka makasama na ni Pauline sa pagkakataong ito ang idolo niya. Sabi nga, in God’s time and in God’s will, nothing is impossible. So carry on, Pauline!

-MERCY LEJARDE