Simula sa Enero ng susunod na taon, suspendido ang pangongolekta ng P2 per liter ng fuel excise tax, at magtatagal ito nang tatlong buwan.

At hindi nito kinakailangang pumasa sa Kongreso upang maipatupad, dahil ang awtomatikong suspensiyon ng excise tax na naging sanhi ng pagtaas ng inflation rate ay awtorisado sa ilalim ng kontrobersiyal na Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law.

Ito ang ipinagdiinan kahapon ni Department of Finance (DoF) Undersecretary Karl Kendrick Chua sa kanyang pagdalo sa Senate economic affairs committee, sa pamamahala ni Senator Sherwin T. Gatchalian.

Ang pagdinig, base sa Senate resolution ni Gatchalian, ay para matukoy ng komite, sa tulong ng lehislatura, ang epekto sa pagsususpinde sa excise tax ng petrolyo, epekto sa ekonomiya sa ilalim ng TRAIN law, epekto sa buong bansa, at sa estado ng pagpapatupad at bisa sa social mitigating measures.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Nakasaad sa TRAIN law na ang koleksiyon ng excise tax sa produktong petrolyo ay dapat na awtomatikong suspendihin sa oras na humigit sa $80 kada bariles ang presyo ng petrolyo sa loob ng tatlong magkakasunod na buwan.

-Mario B. Casayuran