MAS mabibigyan ng tulong ang mga players sa community-based sa bagong tatag na Community Basketball Association (CBA).

IPINALIWANAG ng dating actor-model Carlo Maceda ang konsepto ng bagong basketball league sa bansa – Community Basketball Association (CBA) – sa ginanap na media launching kahapon sa Icon Hotel sa Quezon City. Ang dating Ginebra star na si Pido Jarencio ang napiling maging overall head ng provincial league coordinators.

IPINALIWANAG ng dating actor-model Carlo Maceda ang konsepto ng bagong basketball league sa bansa – Community Basketball Association (CBA) – sa ginanap na media launching kahapon sa Icon Hotel sa Quezon City. Ang dating Ginebra star na si Pido Jarencio ang napiling maging overall head ng provincial league coordinators.

Ito ang binigyan pansin ni Carlo Maceda, dating actor-model at ngayon ay pangunahing tagapagtaguyod ng CBA, sa pagbuo ng liga na aniya’y magiging tugon sa pangarap ng mga ordinaryong mamamayan sa bawat barangay na makapaglaro sa dekalidad na basketball league.

Idinagdag pa ni Maceda na inanyayahan na niya si PBA legend Pido Jarencio upang magsilbing overall regional coordinator.

Karl Eldrew Yulo, pamilya raw pinakamagandang regalong natanggap

“Ang MBA ay liga para sa lahat. Ito ang magiging sagot sa pangarap ng bawat Pilipino na makalaro ng basketball,” pahayag pa ni Maceda sa media launch sa Icon Hotel sa Timog Ave., Quezon City.

“We all love basketball. Bawat Pilipino na nakakausap ko ay mahal ang basketball. Kahit saang barangay, kahit saan siyudad, kahit saan probinsya, may basketball,” sambit ni Maceda.

Nakatakdang simula ang liga sa susunod na buwan.

“This is where the CBA comes in. We would like to give everybody the chance to play basketball in a different setting and different atmosphere,” aniya.

Ayon kay Maceda, hindi lamang basketball ang CBA.

“Sa CBA, hindi lamang basketball ang ilalapit natin sa mas nakadadaming tao. Gagawin din natin itong isang malaking fiesta sa bawat siyudad or barangay na nagsisilbing host ng ating mga laro.”

“Magkakaroon din tayo ng live entertainment para sa mfa manonood, gaya ng “Battle of the Bands”, concerts, singing at dancing contests at iba pang mga inter-active games na may kaukulang premyo,” aniya

“Pero syempre basketball ang ating tampok na aktibidad.”

Magiging added attraction din sa mga teams at kanilang mga tagapagtaguyod ang gagawing livestreaming sa Facebook pati na ang coverage sa IBC 13 sa tatlong sunod na gabi bawat Linggo.

sang panalo na lamang ang kailangan ng National University para makumpleto ang 6-match sweep sa girls division sa UAAP Season 81 high school volleyball tournament.