ANG pinakahihintay na international cockfight competition -- World Slasher Cup – ay magbabalik sa makasaysayang Smart Araneta Coliseum sa Enero 28, 2019. Tampok ang pinakamahuhusay na breeder, ang Grand Finals ay itinakda sa Pebrero 6.

Hiniling ng organizers sa mga interesadong lumahok na magpatala ng maaga upang makaiwas sa anumang balakid para sa nine-cock invitational derby. Maaring ipadala ang lahok sa WSC Derby Office na may tel. blg. 588-8227 o 911-2928; o mag-on line registration sa www.worldslashercup.ph.

Ang unang tatlong araw ng 2-cock Eliminations ay gaganapin sa Enero 28-30, habang ang 3-cock semis ay sa Enero 31 hanggang February 2; at ang 4-cock Pre-Finals at sa February 3-4, at ang 4-cock Grand Finals ay sa February 6. Malalaman sa dami ng bilang ng mga lalahok ang isang araw na break bago ang Grand Finals.

Tanyag bilang ‘Olympics of Sabong’ sa bansa, ang World Slasher Cup ay magtatampok sa mga matitikas na manok panabong, na maghahangad na magapi ang mga mga alaga ni last year’s WSC 2 solo champ newspaper executive Rey Briones (Greengold Uno).

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Kabilang sa inaasahang magbibigay ng mabigat na hamon sina “Sabong Idol” Patrick Antonio, solo champ sa 2018’s WSC 1; Frank Berin, nangun sa 2017 edition, gayundin si Anthony Lim, at ang Escolin brothers.

Magmumula naman ang foreign contingent sa Utah, California, Tennessee, Washington, Georgia, at Alabama, at ilang bansa sa Asia.

Para sa karagdagang impormayon, bisitahin ang Facebook (@WorldSlasherCupOfficial); www.worldslashercup.ph ; o mag-email sa [email protected].