GAGANAPIN ang 27th Philippines-Korea Cultural Exchange Festival sa Oktubre 27 sa Aliw Theater sa Pasay City upang ipagdiwang ang pagkakaibigan ng dalawang bansa.

Bayanihan (top), National Gugak Center (bottom)

Bayanihan (top), National Gugak Center (bottom)

May temang “Hand In Hand”, layunin ng festival na mapalago pa ang cultural exchange sa pagitan ng Pilipinas at South Korea.

May dalawang bahagi ang festival. Mapapanood sa taunang talent competition ang mga Pinoy at mga Korean finalist na magtatanghal in Korean at Filipino.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ang pagtatanghal ng tradisyunal na sayaw at awit ng mga delegado ng Korea at Pilipinas ang magiging highlight ng Phils-Korea Concert, ang pangalawang bahagi ng programa.

Itatanghal ng Korea National Gugak Center ang traditional Korean instruments at traditional Korean folk dance na Seungmu at kantang Arirang.

Magiging kinatawan naman ng Pilipinas ang Bayanihan, ang national folk dance company ng bansa, at itatanghal nila ang mga traditional Filipino folk dances.

Ang iba pang mga performance ay ang traditional Korean drum number ng Buk Chum-Drum Dancing Team mula sa Cainta, Sejong Hakdang at opera singer “Bless.” Magpapasiklab din sa event ang ShowBT’s upcoming Filipino K-pop idol group na SB19 at ang K-pop idol na BNF.

Magkakaroon din ng pagkakataon ang mga dadalo sa event na maranasan ang Korean cultural activities, product booths, at mga Korean food stall.

Magaganap ang 27th Philippines-Korea Cultural Exchange Festival mula 10:00 ng umaga hanggang 7:00 gabi at ito ang isinakatuparan ng United Korean Community Association (UKCA), Embassy of the Republic of Korea in the Philippines at Korean Cultural Center in the Philippines (KCC) katuwang ang National Commission for Culture and the Arts (NCCA).

Ang admission ay libre on a first-come, first-served basis.

-JONATHAN HICAP