THIS Wednesday na ang awarding ng 2018 National Artists, pero wala pa rin sa listahan ng mga pararangalan si Nora Aunor. Matagal nang isinusulong ng supporters ni Nora, lalo na ng kanyang fans, na maisama siya sa mga national artist ng bansa, pero ilang taon na ang nakalipas ay ay hindi pa rin sinusuwerte ang Superstar.
Ang 2018 National Artists awardee ay sina Kidlat Tahimik (Film), Ryan Cayabyab (Music), Francisco Mañosa (Architecture), Ramon Mojares (Literature), Larry Alcala (Visual Arts), at Amelia Lapeña Bonifacio (Theater).
Tanong tuloy ng supporters ni Nora, hanggang kailan sila maghihintay na magawaran ang Superstar bilang National Artist ng bansa?
Samantala, patuloy na napapanood si Nora sa Onanay, at ‘yung dapat ay special participation niya ay humaba at hanggang ngayon ay very part pa rin siya ng story ng teleserye ng GMA-7.
-NITZ MIRALLES