Nasa kabuuang 142 pasahero ang naligtas mula sa isang pampasaherong cargo vessel na nagkaroon ng problema sa makina sa Caticlan Anchorage sa Malay, Aklan nitong Lunes, ayon sa Philippine Coast Guard.
Ayon sa mga rescuers, nasa 135 adults, apat na bata at tatlong sanggol ang ligtas na nakarating sa Jetty Port sa Barangay Caticlan. Walang iniulat na sugatan.
Sa imbestigasyon, nilisan ng "MV Super Shuttle Ferry 18" ang Roxas, Mindoro, dakong 3:00 ng madaling araw noong araw na iyon. Habang patungo sa Caticlan Jetty Port, nagkaroon ng problema sa makina ang naturang cargo vesse, ayon sa awtoridad.
Bukod sa 142 pasahero, sakay din nito ang pitong rolling cargoes.
Nang matanggap ang report, ipinadala ang pinagsanib na puwersa ng rescue team na binubuo ng mga tauhan ng Coast Guard Station (CGS) Aklan, Coast Guard Sub- Station Boracay at Special Operations Force upang magsagawa ng rescue operation.
-Betheena Kae Unite