WASHINGTON (AFP) – Sinabi ni President Donald Trump nitong Lunes na handa ang United States na magtayo ng sarili nitong nuclear arsenal matapos ipahayag na aabandonahin ang Cold War-era nuclear treaty, habang nagbabala ang Russia na ang pagkalas ay pipilay sa pandaigdigang seguridad.

Nabahala ang mundo nang sabihin ni Trump nitong weekend na nais niyang ibasura ang tatlong dekadang Intermediate-Range Nuclear Forces Treaty (INF) na nilagdaan nina dating US president Ronald Reagan at Mikhail Gorbachev, ang huling Soviet leader.

Sinabi ni Trump sa mga mamamahayag sa Washington na hindi sumusunod ang Russia sa ‘’ spirit of that agreement or to the agreement itself.’’

‘’Until people come to their senses, we will build it up,’’ aniya, na ang tinutukoy ay ang nuclear stockpile ng Amerika.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

‘’It’s a threat to whoever you want. And it includes China. And it includes Russia,’’ patuloy ng US president. ‘’And it includes anybody else who wants to play that game. You can’t do that.’’