Dahil na rin sa tulong ng transport network vehicle service (TNVS) na Grab, aabot na sa P159 milyong halaga ng iligal na droga ang nasabat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), mula 2016 hanggang nitong nakaraang Setyembre.
Ito ang inihayag ni PDEA Deputy Director Ricardo Santiago sa paglulunsad ng “Safer Everyday Tech Roadmad” ng Grab Philippines sa Quezon City.
Sa kabuuan aniya, aabot sa 62,000 na gramo nasamsam nilang droga sa loob ng 2 taon kung saan nakaaresto rin sila ng 1,382 katao na ang klasipikasyon ng trabaho ay mga drayber, dispatcher, at konduktor.
Matatandaang ibinunyag ng PDEA nang unang payagan ng Land Transportation Franchising ang Regulatory Board (LTFRB) ang Grab sa kanilang operasyon ay ginagamit na ang TNVS sa drug trafficking.
Buo naman ang suporta ng ahensya sa hakbang na ito ng Grab na palakasin pa ang kampanya hinggil sa crime, accident at drug prevention.
Ang “Safer Everyday Tech Roadmap” ay binubuo ng product enhancements na naglkalayong maiangat safety standards sa transport industry.
Nakapaloob dito ang mga hakbang na sadyang nakatuon sa pagbabago ng mga nakagawian sa lansangan gaya ng pagbuo ng “smart driver fatigue model” na gagamit ng algorithm upang ma-detect kung ang drayber ay pagod at otomatikong maglalabas ng mensahe upang ipaalala na magpahinga muna.
-Jun Fabon