Pinayuhan ng Malacañang ang mga pasahero na maghain ng motion for reconsideration para mapigilan ang pagtataas ng pasahe sa mga pampublikong sasakyan, na nakatakdang ipatupad sa susunod na buwan.

Idinahilan ni Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo na dati nang nagbigay ng rekomendasyon ang National Economic Development Authority (NEDA) sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na huwag munang aprubahan ang hiling na dagdag-pasahe, pero hindi ito pinakinggan ng huli.

Maaari naman aniyang gumawa ng hakbangin ang mga tumututol sa taas-pasahe, sa pamamagitan paghahain ng mosyon sa LTFRB.

Aniya, nauna nang nagpaliwanag ang LTFRB sa usapin ay nilinaw ng ahensiya na binalanse nito ang argumento ng mga operator ng mga pampublikong sasakyan at mga pasahero.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Depensa pa ng LTFRB, magiging maliit lang ang epekto ng fare hike sa inflation ng bansa.

Sa ngayon, aabot na sa P10 ang minimum fare sa jeep, at aabot naman sa P13 ang minimum na pasahe sa bus, ayon sa inaprubahang fare hike ng LTFRB.

-Beth Camia