MATAGAL na naming kapitbahay si Edu Manzano sa San Juan City, kaya hindi kami nagtaka nang malaman naming kakandidato siyang congressman sa lone district ng siyudad.

Edu copy

Iyong mga kumukuwestiyon na hindi raw naman taga-San Juan si Edu, para sa inyong kaalaman, magkatabi lang ang bahay nila ni incumbent San Juan City Mayor Guia Gomez.

Buo na raw ang loob ni Edu na kumandidato para makapag-iwan naman siya ng contribution sa kanyang community.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Lingid sa mga tao, maraming projects na tinutulungan si Edu, like ang Adrian Manzano Cancer Wing sa Philippine Children’s Medical Center sa Quezon City, na ipinangalan niya sa kanyang ama. Sumusuporta rin siya sa night high school ng La Salle Greenhills sa Mandaluyong City, pero wala pa raw siyang nagagawa para sa San Juan City, kung saan ten years na siyang residente.

Kaya naman ang mga anak niya, sa pangunguna ni Luis Manzano, ay bukas ang loob na suportahan ang ama. Ang anak naman niyang si Enzo, na nasa States, ay nagulat pa na bakit daw hindi nagsabi si Edu na kakandidato. Ayaw raw naman ni Edu na abalahin pa ang anak dahil nasa Amerika nga ito, pero uuwi raw si Enzo sa campaign period next year para tumulong.

“Ayaw ko namang guluhin pa ang mga anak ko. Pero kung sila na ang nag-o-offer bakit naman ako tatanggi,” nakangiting sagot ni Edu, na napapanood pa rin sa FPJ’s Ang Probinsyano. Pero tiyak na mawawala na ang character niya sa top-rating serye kapag nagsimula na ang kampanya.

-NORA V. CALDERON