DAHIL sa ipinakitang performance sa nakaraang dalawang laro ng Alaska Aces, tinanghal si Chris Banchero bilang Cignal-PBA Press Corps Player of the Week noong Oktubre 15-21 sa ginaganap na 2018 PBA Governors’ Cup.

Pinamunuan ni Banchero ang Aces’ sa pagrehistro ng back-to-back wins na nagluklok sa kanila sa liderato kasalo ng Ginebra at Magnolia.

Bukod dito, lumakas din ang kanilang tsansa na makasungkit ng twice-to-beat advantage sa playoffs.

Nagtala ang 29-anyos na si Banchero ng 19 puntos, 7 assists at 5.5 rebounds para sa nakaraang dalawang panalo ng Alaska kontra Columbian Dyip, 104-94 at Blackwater, 116-109, na nag-angat sa kanila sa barahang 7-2.

Nagposte ang fifth overall pick ng Aces sa 2014 PBA Rookie Draft halos ng triple-double na 10 puntos, 11 assists at 7 rebounds sa tagumpay nila kontra Dyip.

Brandon Clarke ng Memphis, pumanaw sa edad na 29!

Nitong Linggo, naglagablab sa loob ng hardcourt si Banchero, ang third conference’s assist leader sa kanyang itinalang PBA career-high 28 puntos galing ss 12-of-16 field goal sa paggapi nila sa Blackwater.

Tinalo ng Fil-Italian guard para sa lingguhang citation sina Meralco Fil-American players Cliff Hodge at Chris Newsome at sina San Miguel stalwarts Chris Ross at rookie Christian Standhardinger.

-Marivic Awitan