SA It’s Showtime nitong Huwebes ay ginawang biro ni Vice Ganda ang paglipat ni Regine Velasquez from Kapuso to Kapamilya network. Idinaan din sa biro ni Vice ang pagkanta sa Station ID theme song ng GMA-7, na nilapatan niya ng bagong lyrics.
Nangyari ito habang ini-interview ni Vice ang “Tawag ng Tanghalan” contestant na si Kenneth Evangelista,at binanggit ni Vice na bumalik na si Regine sa ABS-CBN.
“Ang balita ko si Regine na ang kakanta ng Station ID ng ABS-CBN,” ani Vice. “Ang taray ng version! Narinig ko nga, eh.”
Pinalitan ni Vice ang lyrics ng GMA-7 theme song na Kapuso, Anumang Kulay ng Buhay.
“Kapamilya, makulay ang buhay… sa ABS makulay, sa CBN makulay... sa ABS, iisa ang kulay ng buhay.”
Nabanggit din ni Vice na halos karamihan sa mga hosts ng SOP (dating Sunday musical variety show ng GMA) ay lumipat na sa ABS-CBN, gaya nina Janno Gibbs, Ogie Alcasid, Lani Misalucha, Jaya, Jona, Kyla, at Jay-R.
“Abangan n’yo po sa Sunday, ang pamagat na po ng ASAP, SOP na talaga!” sabi ni Vice sabay tawanan ng audience.
Sobrang naaliw naman kay Vice si Louie Ocampo, isa sa mga hurado ng “Tawag ng Tanghalan”, upon hearing the way Vice tweaked his composition. Si Louie kasi ang composer ng Kapuso, Anumang Kulay ng Buhay.
Ang nasabing theme song ng GMA was first performed by Regine in 2002. Asia’s Songbird and Julie Anne San Jose collaborated with each other for the 2012 Station ID of the Kapuso Network.
-Ador V. Saluta