SOBRANG lakas pala talaga ng seryeng Halik sa mga probinsiya dahil kaliwa’t kanan ang imbitasyon ng mga bida ng serye para sa mga mall shows.

Sam copy

Parang linggu-linggo ay nasa out of town sina Sam Milby at Yam Concepcion. Teka, bakit parang hindi namin nakikitang kasama sina Jericho Rosales at Yen Santos?

Pero nitong Sabado ay nasa SM Lanang Premier Davao si Sam para sa isang corporate event, at Ace ang tawag ng mga tao sa aktor. Ace ang pangalan ng karakter ni Sam sa Halik.

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'

Naniniwala na kaming malakas nga ang Halik dahil sa Luzon, Visayas at Mindanao ay ang nasabing serye ang pinapanood, base na rin sa kuwento ng mga kaibigan namin.

Tulad nung nakaraang linggom, may mga kaibigan kaming nag-shoot ng TVC sa bandang Norte. Hihinto pa sila para lang panoorin ang Halik. Hindi raw sila pumapalyang panoorin ito, maliban na lang kung walang kuryente, pero nasusubaybayan pa rin dahil sa I WantTV.

Going back to Sam, masaya siya dahil nakapasok sa 2018 Metro Manila Film Festival (MMFF) ang pelikula niyang Marry Marry Me, kasama ang magkapatid na Toni Gonzaga-Soriano at Alex Gonzaga, produced ng Ten17 Productions at idinirek naman ni RC de los Reyes.

Ikalawang beses na ni Sam na makasama sa MMFF, na nauna ang Kimmy Dora: Ang Kiyemeng Prequel (2013), kasama si Eugene Domingo.

Walang love life ngayon ang aktor, kaya tinanong namin siya kung hindi ba siya nade-develop kay Yam. Grabe kasi ang mga kissing scene nila at imposibleng hindi sila tamaan pareho.

“Grabe ‘tong sina Ace at Jade (Yam), pinapainit nila ang mga nanonood. Ha, ha, ha!” sabi ni Sam.

For the record, may boyfriend si Yam, at magkaibigan lang ang turingan nila ni Sam. Hindi rin naman naging ugali ni Sam na manira ng relasyon.

-Reggee Bonoan