MULING nakatanggap ng parangal ang Legazpi City sa pagwawagi nito bilang most Business-Friendly City sa buong bansa mula sa Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI), sa ilalim ng Component City Category.

Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang naggawad ng parangal kay city Mayor Noel Rosal, sa idinaos na 44th Philippine Business Conference sa Manila Hotel, kamakailan.

Tampok sa pagpaparangal ang katangi-tanging pagsisikap ng local government units (LGU) sa pagpapatupad ng magandang mamamahalang reporma upang maisulong ang kalakalan at pamumuhunan, pangkabuhayan, transparency, accountability at efficiency sa business services upang mapaangat ang pagsulong sa ating lokalidad.

Sa isang panayam nitong Biyernes, sinabi ni Rosal na ang sektor ng pagnenegosyo ay isa sa mga tagapagsulong ng ekonomikal na pag-unlad na malaki rin ang naiaambag sa pondo ng lungsod at nagbibigay din ng trabaho sa mga lokal.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

“It’s really an honor for us to receive the most business friendly city award because this kind of recognition symbolizes Legazpi as the new investment hub in the country today that will surely continue to improve the investor’s confidence to put up more business establishments in the city,” aniya.

Sinabi ng alkalde na ang kanyang administrasyon ay agresibo sa pagpapatupad ng Anti-Red Tape Act of 2007, upang mapabilis ang mga transaksiyon sa pamahalaan sa pamamagitan ng pagbuo ng Citizen’s Charter.

Nakilahok din ang lungsod sa Enhanced Government Performance Management System (LGPMS) para sa mas bukas na pagdedesisyon na nagbibigay daan sa mas malaking partisipasyon ng mga stakeholders sa pagtutok sa kanilang kalagayan.

Idinagdag ni Rosal na nagtatag ang Business Permit and Licensing Office ng lungsod ng public assistance and complaint desk, gayundin ang one-stop-shop at courtesy lanes para sa mga buntis, senior citizen at may mga kapansanan upang mapabilis ang kani-kanilang aplikasyon at muling pagkuha ng permit sa pagnenegosyo.

“The members of the city council have already enacted an Investment and Incentive code in order to promote economic growth and sustainable development through the effective and efficient services strengthened by the active participation of all the stakeholders within a safe environment,” ani Rosal.

Pangunahin umanong layunin ng code na maiayos ang lokal at pambansang polisiya sa pamumuhunan, gayundin ang pagtatatag ng organizational structures upang magabayan sa epektibo at episyenteng implementasyon ng code.

Isinusulong din nito ang pagpapaunlad ng mga Micro, Small and Medium Enterprises (MSME), aniya.

Dagdag ni Rosal, sa nakalipas na 10 taon ay nasa P30 bilyon na ang nailagak ng naglalakihang kumpanya bilang puhunan sa Legazpi.

PNA