NAGPOSTE ni Ria Nabalan ng 40-puntos upang giyahan ang reigning champion National University sa 111-64 paggapi sa De La Salle kahapon sa UAAP Season 81 women’s basketball tournament sa Araneta Coliseum.
Dahil sa panalo , umabot na 72 sunod ang naitalang tagumpay ng
Lady Bulldogs at ikawalong sunod sa ginaganap na elimination round.
Si Nabalan ang unang manlalarong nakapagtala ng 40 puntos makalipas ang anim na taon mula ng umiskor ng 45 puntos si Allana Lim para sa 85-43 panalo ng Far Eastern University kontra University of the East noong Agosto 15, 2012.
Sinundan si Nabalan ni reigning MVP Jack Danielle Animam na may 20 puntos, 17 rebounds, 4 blocks at 2 assists at ni Congolese Rhena Itesi na may 19 puntos, 16 boards at 4 na blocks.
Sa isa pang laro, umiskor si leading MVP candidate Grace Irebu ng 19 puntos at 12 rebounds para pamunuan ang University of Santo Tomas sa paggapi ss FEU, 75-68.
Dahil sa panalo, umangat ang Tigresses sa markang 5-3, isang panalo na lamang ang pagkakaiwan sa Lady Tamaraws na may barahang 6-3.
Samantala, bumagsak naman ang Lady Archers sa ika-4 na puwesto hawak ang barahang 5-4 karta.
Marivic Awitan