NI EDWIN ROLLON

PATULOY ang pagtaas ng kalidad ng Brazilian jiu-jitsu at malaking bahagi nito ang tumitibay na pundasyon sa pagitan ng local organizers at sports ‘Godfather’.

MATIKAS ang labanan sa pagitan ng dalawang fighters na kapwa naghahangad ng panalo via submission sa maaksiyong tagpo sa Arte Suave Manila sa CommerceCenter sa Alabang.

MATIKAS ang labanan sa pagitan ng dalawang fighters na kapwa naghahangad ng panalo via submission sa maaksiyong tagpo sa Arte Suave Manila sa CommerceCenter sa Alabang.

Nagkakaiisa ang CommerceCenter sa Alabang at Triumvirate Fighting sa layuning mapataas ang antas ng kompetisyon sa sumisikat na combat sports sa muling paglarga ng ARTE SUAVE MANILA n itong weekend a CommerceCenter -- isa sa pinakapopular na commercial center sa Alabang, Muntinlupa City.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Nasa ikaapat na edisyon, ang Brazilian jiu-jitsu competition at expo ay inaasahang muling magbibigay nang maaksiyong duwelo mula sa matitikas na fighters ng bansa at ilang foreign guest.

“The warm reception from both the local BJJ and MMA communities for the past three installments of Arte Suave Manila is one of the reasons why we’re back at it for another year,” pahayag ni Leslie Tagle-Dinglasan, AVP for Marketing of Commercenter.

“We’re excited to open our doors again this year for new and seasoned competitors, and of course, the teams and families supporting them,” aniya.

“We’re proud to be the home and presenter of a competition that contributes to the growth of the local BJJ community.”

Iginiit naman ni Franco Rulloda, Co-Founder and President ng Triumvirate Fighting at Brown Belt ng Deftac-Ribeiro Jiu-Jitsu Philippines na ginagamit nila ang torneo para magkaroon ng venue ang mga fighters sa paghahangad na mapataas ang kanilang competitive level, gayundin sa mga baguhan para sa Gi competition.

“More than a way to test the fighters skills, competitions like Arte Suave Manila are critical to building teams,” sambit Rulloda.

“Building teams means growing the sport, and growing the sport means growing the community,” aniya.

Gayundin, ipinagpapasalamat niya ang suportang ibinibigay ng mga sponsors at matagal nang ‘Godfather’ ng Arte Suave na CommerceCenter.

Magsasagupa sa Gi competition ang White, Blue, at Purple Belt competitors, habang ang No Gi competition ay bukas sa Beginner, Intermediate, at Advanced level grapplers.

Ikinatuwa ni Rulloda ang patuloy na pagtaas ngbilang ng mga lahok mula sa 45 fighters sa unang taon noong 2015, umabot sa 204 ang kompetitibong atleta na nakalista ngayong edisyon.

Ang Arte Suave Manila ang unang local event na naglunsad ng Superfights – labanan sa loob ng 10 minuto na tanging submission lamang ang paraan ng panalo.

Ilan sa mga malalaking pangalan sa jiu-jitsu community na sina Myron Mangubat, sa edad na 17-anyos ang pinakabatang Black Belt ng Deftac-Ribeiro Jiu-Jitsu Philippines; Kaila Napolis, Purple Belt fighter ng Checkmat Philippines at mga miyembro ng Philippine National Jiu-Jitsu Team; Pat Jamlang, Brown Belt mula sa rigins Jiu-Jitsu; at Justin Ceriola, Blue Belt mula sa Deftac-Ribeiro Jiu-Jitsu Philippines, kabilang sa napiling scholar ng Siklab Superkids Award ng Philippine Olympic Committee.

“Every time we hear about competitors and superfighters winning abroad, it motivates us to keep improving on our event. Creating and giving value to every fighter who joins our event has always been the driving force behind Arte Suave Manila,” pahayag ni Rulloda.