KUNG ang dating Kapuso star na si Regine Velasquez ay opisyal nang lumipat at pumirma ng kontrata sa ABS-CBN, pumirma rin si Janno Gibbs ng bagong kontrata sa Viva Artists Agency (VAA).
Orihinal na Viva talent naman talaga si Janno, at mahigit 10 taon na ang nakalipas nang huli siyang gumawa ng movie sa kumpanya ni Boss Vic del Rosario. Star Music contract artist na rin si Janno.
Naalala pa ni Janno na ang huling pelikulang ginawa niya noon sa Viva ay ang Wait A Minute, Kapeng Mainit kasama si Blakdyak.
Bakit balik-Viva si Janno?
“I approached Veronique (Del Rosario) kung if she is willing to manage me. Dinala niya ako sa daddy niya (Boss Vic), welcome naman ako, so it’s good to be home. Kasi ito naman talaga ‘yung ano ko, eh. Viva ‘yung nag-start sa akin, eh, kung paano ako nakilala as a comedian,” kuwento ni Janno sa interview ng Push.
Dahil close din si Janno kay Regine Velasquez kaya tinanong na rin namin siya kung ano ang reaksiyon niya sa ginawang paglipat ni Regine sa ABS-CBN.
“I’m excited for her, happy for her, kasi aside from SOP, before Ogie, ako ang ka-duet talaga ni Regine. Before magkasama kami sa management, kay Ronnie Henares, pareho kaming nag-start dUn.
“We did a movie here sa Viva. So, malaking part din siya ng career ko. And I’m happy for her, alam kong matagal na siyang hinihintay ng (Channel) 2. And perfect ‘yung timing kasi Ogie is there na. So kumbaga, mapapatawad mo na kung anuman ang reason for transferring. Eh, nandun ‘yung asawa niya, eh. So no questions ask na, ‘di ba?”
Si Ogie ay regular sa Home Sweetie Home sitcom at sa It’s Showtime bilang isa sa mga hurado ng “Tawag ng Tanghalan”.
Naniniwala rin si Janno na deserving si Regine ang grand welcome rito ng ABS-CBN bilang Kapamilya.
“Deserve naman niya yon. I think she deserves it. She’s one of the, if not, our biggest female singer,” ani Janno.
May posibilidad ba na magkasama sila sa production number in ASAP?
“I hope so. Parang sinasabi nga nila, gusto nilang mag-back-to-back, SOP sa ASAP. Ha, ha, ha! Kasi ‘di lang kami. Pati sina Jay-R, Kyla, Jona. Well, sana,” natatawa niyang tugon.
Bukod sa pagiging Star Music artist ay lumabas din si Janno sa FPJ’s Ang Probinsyano. May bago na ba siyang acting assignment sa TV?
“Wala pa… wala pa. Although I’ve met with them, with the bosses. Sabi ko, ‘I enjoyed Probinsyano, if you have anymore shows for me, willing ako, gusto ko po’.”
Ibinahagi rin niya ang karanasan niya working with Coco Martin sa number one series ng ABS-CBN.
“To be honest, ako ‘yung… minessage ko lang si Coco, ha? Not knowing Coco, hindi ako close sa kanya. Nag-message ako kay Coco as a fan of the show kasi lagi talaga akong nanonood ng Ang Probinsyano.
“Nag-message lang ako, I think sa Instagram niya, sa private message lang. ‘Co, lagi akong nanonood ng (Probinsyano), sana i-guest mo naman ako kahit cameo lang.’
“Hindi kaagad-agad, pero pinasok niya ako. Siya talaga ‘yung nagpasok sa akin. Parang hindi yata alam ng ABS, parang nakita na lang nila ako dun,” natatawang kuwento ni Janno.
-ADOR V. SALUTA