Nananawagan si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara sa Department of Education (DepEd) na lubusang ipatupad ang Integrated History Law sa lahat ng paaralan sa bansa upang makalikha ng “truly inclusive history that accounts for all Filipinos.”
Pinagtibay noong 2016, ipinag-uutos ng Republic Act 10908 na ituro ang kasaysayan ng indigenous peoples (IPs) o mga katutubo kapwa sa basic at higher education sa bansa, ngunit pinuna ni Angara na hindi lahat ng paaralan ay isinasama ito sa kanilang curriculum.
“By including this subject in our education system, we effectively instil further understanding of IP history, culture and identity in the minds of the youth,” ani Angara kasabay ng pagdiriwang ng banasa ng National Indigenous Peoples Month na naglalayong isulong ang preservation ng kanilang kultura.
-Hannah L. Torregoza