Nakapagtala ng bagong Guinness World Record si Xiao Lung Wang, isang lalaki mula sa China, para sa “highest vocal note by a male”, gamit ang kanyang nakaririnding pagtatanghal.
Inihalintulad sa isang sumisipol na takure ang tunog na nilikha ni Wang, ngunit ayon sa mga eksperto, tunog lang ito ng E sa 8th octave, na umaabot sa audio frequency na 5,243 hertz.
Dating hawak ng mang-aawit at vocal coach na si Adam Lopez ang record, na noong 2008 ay nakalikha ng D8, na umaabot sa 4,435 hertz. Mas mataas umano ang E8 na tunog ni Wang kumpara sa Australyanong mang-aawit.
OC