Ibinahagi kamakailan ng chairman ng isang pribadong space contractor sa Chengdu, China ang plano nitong maglunsad ng “artificial moon” satellite na tinatayang walong beses na mas maliwanag kumpara sa tunay na buwan, para palitan ang mga tradisyunal na streetlight sa lungsod.

Artificial-moon

Inihayag ang ambisyosong proyekto sa national mass innovation and entrepreneurship event sa lungsod ng Chengdu, na may 14 na milyong residente, sa timog-kanlurang China.

Isinapubliko ni Wu Chunfeng, chairman ng private space contractor na Chengdu Aerospace Science and Technology Microelectronics System Research Institute Co (Casc), ang planong paglulunsad ng “illumination satellite” na tinawag nitong “artificial moon” .

Human-Interest

Netizen, ayaw na magbigay ng regalo sa pamilya niyang hindi marunong mag-appreciate

“The satellites’ brightness and service time are both adjustable, and the accuracy of the lighting can be controlled within tens of meters,” pahayag ni Wu Chunfeng.

Bagamat marami ang kumukuwestiyon sa binabalak na proyekto, iginiit naman ng mga opisyal na malaki ang maitutulong nito sa gastos mula sa paggamit ng streetlight at pagpapaunlad ng turismo sa lugar.

Sinasabing mula ang ideya ng satellite sa konsepto ng “ French artist, who imagined hanging a necklace made of mirrors above the Earth which could reflect sunshine through the streets of Paris all year round,” at sa Russia’s Znamya project, na sinimulan noong 1990 ngunit kalaunan ay inabandona.

OC