Inaasahang mas magiging kumportable na ang biyahe ang mga pasahero ng Metro Rail Transit (MRT)-Line 3 sa mga susunod na araw.

Ito ay kapag naikabit na ang mga bagong air-conditioning unit (ACU) na binili ng Department of Transportation (DOTr) para sa mga bagon ng MRT.

Sa inilabas ng pahayag ng DOTr sa social media accounts nito, ipinagmalaki ng kagawaran na dumating na sa bansa ang mga bagong ACU na binili nito mula sa ibang bansa.

Ang unang 21 bagong ACU ay dumating nitong Sabado, Oktubre 20, habang ang karagdagang 21 pa ay dumating naman nitong Linggo, Oktubre 21.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Ayon sa DOTr, ang naturang mga ACU ay sisimulan nang ikabit sa mga bagon ng MRT sa susunod na linggo, upang maging mas kumportable sa kanilang biyahe ang mga pasahero.

Nabatid na sa kabuuan ay 78 ACU ang binili ng DOTr.

Inaasahan namang made-deliver sa bansa ang 36 na iba pang ACU bago matapos ang taong ito.

-Mary Ann Santiago