Ni BRIAN YALUNG
SA pagyabong ng Crossfit sa bansa, ilinarga ang Assault Fitness RX Smart Gear Kalis Games sa layuning masukat ang kahandaan at galing ng mga local athletes laban sa mga dayuhang kalahok nitong weekend sa Crossroad Center Convenarium sa Quezon City.
Pinangasiwaan ni Ms. Sunny Conde, director ng 2018 Kalis Games, ang programa na aniya’y napapanahon dahil sa mataas na bilang ng mga Filipibno athletes na sumasabak sa crossfit.
Kumpiyansa siya na ang pagkakaroon ng venue para sa local athletes at sapat na para makaabay ang Pinoy sa mga karibal na American, Australian at European athletes.
“These workouts are designed by Sean Philips, a cross fit coach from Miami. He is a Filipino but he is American born. He is one of the seminar staff of cross fit headquarters and has designed heavy workouts that are challenging for athletes,” pahayag ni Conde.
Aniya, ang pagsabak sa programa ay makatutulong sa a mga local competitor para makasabay sa international scene.
Isa sa nangungunang Pinay crossfit athlete sa kasalukuyan ang 29-anyos na si Kristen Lim.
“It’s a yearly thing for me to join competitions to check out if I have improved the previous years. It is also fulfilling since the community gets together and do what we all love to do,” ayon kay Lim.