SOBRANG bilib ni Marlo Mortel kay Coco Martin, dahil bukod sa mahusay na napagsasabay ang pagsusulat ng script, pagdidirek, at pag-arte ay mabait pa ito sa lahat ng tao sa set ng FPJ’s Ang Probinsyano.

Marlo Mortel

“Kapag nagkakamali po ako, tinutulungan niya ako. Concerned siya sa lahat at saka helpful siya, ‘di ba? Si Mystica, ‘di ba? Kaka-call out lang pag-taping ko, ay nandoon na siya. At nandoon na rin si Red (Bustamante),” masayang kuwento ng actor-singer, tinukoy ang dalawang dating artista na nabigyan ng chance na magkaroon muli ng showbiz career sa top-rating serye ng ABS-CBN.

Hindi pa raw nakakuwentuhan ni Marlo si Coco dahil sobrang busy nito sa set.

Relasyon at Hiwalayan

Rayver, proud kay Julie Anne matapos manalo sa Aliw Awards

“Kasi siya rin nagsusulat ng script, siya rin nagdidirek tapos artista pa siya. Sobrang galing nga ni Kuya Coco, eh. ‘Yung script po kasi on the day sinasabi sa amin kung anong gagawin naming. At maganda ‘yun para sa akin, kasi fresh ‘yung idea. Kaya as an actor, fresh din ‘yung ibibigay naming, so hindi aral, kasi on the day lang kaya super prepared ka.”

M a r a m i n g nagsabi na bagay s i l a n g ma g k a - love team ni Sue Ramirez.

“ M a y m g a nagsabi nga po, ‘kakatuwa. Matagal ko na ring kaibigan si Sue, at maganda ‘yung relasyon namin as friends.”

Hi n d i ma n k a l a k i h a n ang karakter ni Marlo sa Ang Probinsyano ay napapansin naman siya bilang laging hinihingan ni Sue ng pang-load.

Si Sue rin ang leading lady ni Marlo sa music video niyang Sana Ikaw Na Nga, mula sa ABS CBN Star Music. Si Marlo mismo ang sumulat ng lyrics at naglapat ng tunog sa nasabing awitin, na inareglo ni Adonis Tabanda.

Ire-release ang album ni Marlo sa araw ng concert niya, kaya excited ang singer-actor.

“’Yung mga bumili po ng ticket may free album sila and ang title po ay Serye, at ako lahat nagsulat ng mga kanta ro’n.

“Connected siya [sa] everything na pinagdaanan ko sa love life kaya Serye. Pati music video niya is series, kaya kung napanood n’yo ‘yung music video namin ni Sue, may continuation po ‘yun.”

Anyway, isa si Sue sa special guests ni Marlo sa kanyang concert na ImMORTELized sa Oktubre 26, sa Music Museum, sa ganap na 8:00 pm.

Nalungkot nga si Marlo nang banggitin namin na sayang at hindi na mapapanood ng mommy niya ang kanyang concert.

“Ito ‘yung dream namin ni Mommy, eh. Sayang hindi niya na-witness ‘tong other side of me sa music, kaya malaking isyu ito for me na wala siya.”

Mga lumang kanta ang aawitin ni Marlo dahil old soul daw siya, at gusto niyang ibalik ang mga awiting naging paborito ng lahat simula noong dekada ‘70, ‘80, at ’90, at ‘yung mga usong kanta ngayon.

“Lahat ng favorite songs natin, tapos ang song ko for my mom, ‘yung Paano Kita Mapasasalamatan,” saad ng binata.

Bilang millennial singer, aminado s i Ma r lon a ma s magaganda ang old songs kumpara ngayon.

“Ka s i p a r a n g n g a y o n , although maraming good songs today, hindi lang kasing ganda ng melody at kasing lalim ng lyrics noon. Kaya bubuhayin ko talaga ‘yung mga kanta noon sa concert ko,” katwiran ni Marlo.

“Mga kanta po nina Zsa Zsa Padilla, Rey Valera, Shania Twain, Bee Gees ang kakantahin ko. Meron ding Time After Time (Cyndi Lauper), marami pa pong iba. Kaya nga po immortalized.”

Bukod kay Sue, kasama rin sa concert ni Marlo sina Elisse Joson, John Roa, at LA Santos. Si Adonis Tabanda ang musical director, stage director si Marvin Caldito, at sponsored ito ng Calayan Surgicentre a t Megasoft.

-REGGEE BONOAN