KABUL (AFP) – Halos 170 Afghans ang nasawi o nasugatan sa mga karahasan na may kaugnayan sa halalan nitong Sabado, ayon sa opisyal na talaan sa magulong legislative election.

Sa huling pag-atake, pinasabog ng suicide bomber ang kanyang sarili sa loob ng isang polling centre sa Kabul, na ikinamatay ng 15 katao at ikinasugat ng 20. Wala pang umaako sa pagpasabog, ngunit nauna nang sinabi ng Taliban na nagsagawa ito ng mahigit 300 pag-atake sa ‘’fake election’’ sa magulong bansa.

Sa tala ng interior ministry, ang kabuuang bilang ng mga nasawi – kabilang ang mga sibilyan at security forces – ay nasa 160, 27 sa mga namatay ay sibilyan at 100 nasugatan.

Nagkaroon ng 193 pag-atake sa buong bansa, na ayon sa ministry ay kalahati ng bilang na naitala sa araw ng presidential election noong 2014.
Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina