MULING masisilayan si Filipino Fide Master (FM) elect Rustum Tolentino sa pagtatangka na masungkit ang kanyang International Master (IM) title sa napipintong 10th Penang Heritage City International Chess Open 2018 sa Disyembre 3-8 sa Red Rock Hotel sa Penang, Malaysia.

Ang Cagayan de Oro City bet Tolentino ay sariwa pa sa kampeonato sa katatapos na Barroso Chess Cup 2018, NCFP rated event, Open rapid category nitong Oktubre 14, 2018 na ginanap sa Bukidnon State University, Malaybalay City sa Bukidnon.

Nakipaghatian ng puntos si Tolentino kontra kay Davao City ace Harrison Maamo sa seventh at final round sapat para makopo ang titulo at maibulsa ang top prize P7,000 at trophy sa event na sinuportahan ng Barroso clan at pinangasiwaan naman nina NA Cecilio “Ely” Acas, FNA Joseph Gener “Jojo” Palero at NA Alfred Moulic ng Chess Arbiter Union of the Philippines. Tumapos si Tolentino ng 6.5 points mula six wins at draw sa seven outings.

Sasabak din si Tolentino, suportado nina Australia based Simon Dolosa, Dubai based Wael Alterado, Europe based Woman International Master Cristine Rose Mariano-Wågman at Roly Tan ng Goldcrest Marketing Corporation, sa 5th Johor International Chess Open 2018 sa Disyembre 10-15 sa 36th floor Johor Bahru City Square Tower sa Johor Bahru, Malaysia at sa Laos International Open Chess Championship sa Disyembre 18-24 sa Don Chan Palace Hotel & Convention sa Unit 6, Piavat Village, Sissatanak District sa Vientiane, Laos.

Romualdez, pinasalamatan tennis player na si Alex Eala

“Hopefully this international tournament I can get my International Master title plus gain an Elo rating points,” sabi ng 36 years old Tolentino na dating top player ng Mapua Institute of Technology Chess Team.