NANGAKO si dating WBA interim light flyweight champion Randy Petalcorin ng Pilipinas na muli siyang magiging kampeong pandaigdig matapos ang sagupaan nila ng knockout artist na si Felix Alvarado ng Nicaragua sa Oktubre 29 sa Solaire Resort Hotel and Casino sa Paranaque City.

Naging WBA titlist si Petalcorin noong Agosto 26, 2014 nang patulugin niya si three-time world title challenger Walter Tello ng Panama sa sagupaang ginanap sa Shanghai, China.

Naipagtanggol niya ang titulo noong Abril 24, 2015 nang tatlong beses niyang pagulugin sa ring at mapatigil si Chinese boxer Yiming Ma sa 1st round ng kanilang sagupaan sa Beijing, China.

Huling natalo si Petalcorin nang limang beses pabagsakin si Aussie-based Tanzanian Omar Kimweri pero natalo pa rin via 12-round split decision sa Melbourne Pavilion sa Fleminton sa kanilang sagupaan para sa WBC Silver flyweight title noong Abril 15, 2016.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nagtala ng anim na sunod na panalo, apat sa stoppages si Petalcorin bago ang pagkasa niya kay Alvarado na may kartadang 33 panalo, 2 talo na may 29 pagwawagi sa knockouts at nakalistang No. 1 sa IBF light flyweight rankings.

“I am in the best shape so far,” sabi ni Petalcorin sa Fightnews.com. “I have sacrificed a lot and gave my everything for this fight. Alvarado is a world class fighter but fights are won in the gym and I am confident I am 100% ready. On October 29, I will get that world title belt and will become a world champion once again.”

May kartada si Petalcorin na 29-2-1 na may 22 pagwawagi sa kncokouts at nakalistang No. 3 contender sa IBF light flyweight division.

-Gilbert Espeña