NASA kabuuang 1,188 estudyante mula elementarya, high school at kolehiyo na may kapansanan ang nakatanggap ng P1.5 milyong tulong pinansiyal para sa edukasyon mula sa provincial social welfare office ng Albay.

Sa isang panayam, sinabi ni acting Albay Social Welfare Officer Eva Grageda na para sa taong 2018, naglaan ang probinsiyal na pamahalaan ng P2 milyon para sa pag-aaral ng mga persons with disabilities (PWDs) mula elementarya hanggang kolehiyo.

“For elementary pupils, we are giving PHP1,000 each, PHP1,500 each for high school students, and PHP3,000 for college students,” pahayag ni Grageda.

Aniya, ang educational assistance para sa PWDs ay bilang tugon sa Republic Act No. 10754 o ang Act Expanding the Benefits and Privileges of Persons with Disability, na nagsasaad na “to pursue primary, secondary, tertiary, post-tertiary, as well as vocational or technical education in both public and private schools, qualified PWDs will be provided with scholarships, grants, financial aids, subsidies and other incentives, including support for books, learning materials, and uniform allowance, to the extent feasible.”

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Kailangan makuha ng mga kuwalipikadong PWD ang minimum admission requirement na itinakda ng Department of Education, Commission on Higher Education Department, Technical Education and Skills Development Authority, at ng iba pang ahensya na nagbibigay ng scholarship at tulong pinansyal para sa edukasyon ng mga taong may kapansanan.

Upang makapasok sa scholarship, bawat aplikanteng PWD ay kinakailangang magpasa ng certificate of indigence, report card, at endorsement mula sa isang municipal social welfare officer, at identification card, ayon kay Grageda.

“For purposes of monitoring, our office is conducting regular physical inspection and list of enrollees are being submitted to the municipal social welfare office,” dagdag pa niya.

Siniguro rin ni Grageda na ang mga PWDs sa Albay ay mabibigyan ng pantay na opurtunidad sa kanilang pag-a-apply ng trabaho, apprenticeship, incentives, vocational rehabilitation through training courses, livelihood at iba pang serbisyong makatutulong sa kanila.

Naglalaan din ang provincial social welfare office ng tulong-pinansiyal sa medical na pangangailangan.

PNA