Kinumpirma kahapon ng isang opisyal ng Department of Education (DepEd) na naghain na ng leave of absence at ililipat ng eskuwelahan ang isang buntis na guro, na na nag-viral ang video ng sinasabing pagmumura at pananakit sa mga estudyanteng Boy Scouts ng Cutog Elementary School sa Reina Mercedes, Isabela.

Ayon kay Education Undersecretary Annalyn Sevilla, tagapagsalita ng DepEd, nakatanggap na sila ng report na naghain na ng leave of absence ang hindi pinangalanang guro, na pumayag na ring mailipat muna ng paaralan habang iniimbestigahan.

“Per update of the regional director last night (Huwebes ng gabi), nag-agree siya na ma-reassign ng eskuwelahan while we are undergoing the fact-finding investigation,” sianbi ni Sevilla sa isang panayam sa radyo. “And just this morning (Biyernes), we also received a report that the teacher filed leave already.” Iniimbestigahan ang guro sa video, na nag-viral sa Facebook, kung saan maririnig ang ilang beses na paninigaw nito sa mga grupo ng mga estudyante ng Grades 4 hanggang 6 na Boy Scouts na nagkukumpulan sa sahig ng isang tent, sa isang camping activity. Nagalit ang guro dahil sa pagkawala ng ilan nilang kasamahan.

Sinasabing kinutya at minura pa umano ng guro ang mga bata, at ilang beses na hinampas at binatukan ang ilang estudyante, habang ang isa ay hinatak papasok sa tent.

National

DA, nanindigang 'fit for human consumption' ang ₱20 na bigas sa kadiwa market

Sinabi ni Sevilla na masusi nang iniimbestigahan ng DepEd ang insidente at tiniyak na bibigyan nila ng proteksiyon ang mga karapatan ng guro at ng mga estudyante sa video.

Aniya pa, depende sa magiging takbo ng imbestigasyon ang ipapataw na parusa sa guro

-Mary Ann Santiago