HANGGANG ngayon ay umaani ng success ang romantic-comedy series na Inday Will Always Love You, na produced ng GMA News & Public Affairs.

Barbie Forteza Inday will

Nang ipalabas ito sa GMA primetime block ay humataw ito sa ratings kaya naman nagkaroon pa ng second book. Umabot sila ng more than eight months sa ere, traveling from Manila to Cebu City and vice versa to shoot the scenes. Naging location shoot nila ang magagandang places sa Cebu City, including the Magellan Cross, kung saan kinuhanan ang grand finale.

At ngayon, hindi lang sa Pilipinas ito naipalabas dahil very soon ay mapapanood na rin ang Inday Will Always Love You sa China. Pumirma kasi ng exclusive distribution agreement ang GMA Worldwide at Chinese multi-media company na FZ Entertainment last October 16 sa isang trade show na ginanap sa Cannes, France. Happy Together ang magiging international title ng romcom ni Barbie Forteza, at magkakaroon ito ng subtitles.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Bukod kay Barbie, tampok din sa Inday Will Always Love You sina Derrick Monasterio, Ricky Davao, Manilyn Reynes, Nova Villa, Super Tekla, with many Kapuso stars as special guests, the likes of Jean Garcia, Sunshine Dizon, Solenn Heussaff, Kim Domingo, Katrina Halili, Lotlot de Leon and many more.

-Nora V. Calderon