DAHIL sa pelikulang Kita Kita na kinuhanan sa Japan ay inimbitahan si Empoy Marquez ng Japan National Tourism Organization president na si Mr Satoshi Seino bilang guest sa pagbubukas nila ng opisina dito sa Pilipinas, with the participation of Department of Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat.

Matatandaang lumikha ng ingay ang Kita Kita na idinirek ni Sigrid Andrea Bernardo na produced ng Spring Films at Viva Films sa Japan nang magkaroon ito ng world premiere sa nakaraang 12th Osaka Asian Film Festival noong Marso 2017 bago ito ipinalabas sa Pilipinas noong Hulyo 2017.

Ipinakita rin sa pelikula ang magagandang lugar sa Sapporo, Japan dahilan kaya kinuha rin si Empoy na ambassador sa tourism ng nasabing bansa.

Nitong Setyembre ay nag-shoot ang aktor sa iba’t ibang probinsiya ng Japan para sa turismo nila. Noong 2017 ay si Yeng Constantino ang kinuha, at early this year ay sina Liza Soberano at Enrique Gil.

Tsika at Intriga

Chloe, matapang na niresbakan nagsabing niretoke ilong niya

Sa ngayon ay puro negosasyon pa sa upcoming projects ni Empoy, bagamat regular siya sa Home Sweetie Home. Abala rin siya sa corporate shows sa ngayon.

-Reggee Bonoan