Mga Laro Ngayon

(Araneta Coliseum)

2:00 n.h. -- La Salle vs Adamson

4:00 n.h. -- FEU vs Ateneo

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Standings W L

AdU 7 2

Ateneo 7 2

FEU 5 3

DLSU 5 3

UST 4 4

UP 3 5

NU 2 6

UE 1 7

UMAATIKABONG salpukan ang tiyak na matutunghayan ngayong hapon sa pagsalang ng apat na nangungunang koponan sa nakatakdang double header sa pagpapatuloy ng second round ng UAAP Season 81 Men’s Basketball Tournament.

Unang magtutuos ganap na 2:00 ng hapon ang De La Salle University at ang Adamson na susundan ng sagupaan ng Far Eastern University at defending champion Ateneo de Manila ganap na 4:00 ng hapon.

Magkasalo ngayon sa pangingibabaw ang Falcons at ang Blue Eagles na may barahang 7-2, habang tabla din sa ikalawang puwesto taglay ang markang 5-3 ang Tamaraws at Green Archers.

Kapwa nagsipagwagi sa una nilang laban sa second round, mas matinding bakbakan ang inaasahan sa pagitan ng Green Archers at ng Falcons kumpara sa naunang paghaharap nila noong Oktubte 13 sa MOA Arena na nagtapos sa iskor na 79-78 pagkaraan ng limang minutong extension period.

Kaparis ng unang bakbakan, mainit ding tiyak ang mamamagitan sa Tamaraws at Blue Eagles kung saan tatangkaing ipaghiganti ng huli ang 60-63 kabiguang natamo noong Oktubre 10 sa una nilang pagtatapat.

Para sa Falcons, sisikapin nilang magtuluy-tuloy sa pagbangon pagkaraan ng natamong dalawang sunod na kabiguan sa pagtatapos ng first round upang maabot ang misyong muling makabalik ng Final Four at makatungtong ng Finals.

“Those two games that we lost, it was just mind-boggling. It was like a pothole. We are still going to continue with this journey. We just had to play consistent basketball,” pahayag ni third-year Soaring Falcons head coach Franz Pumaren.

-Marivic Awitan