TULUYAN nang pinasok ng aktor na si Richard Yap ang pulitika dahil nitong Miyerkules, Oktubre 17, ay naghain siya ng kandidatura para tumakbong kongresista sa North District ng Cebu.

Richard copy

Tanda namin noong kainitan ni Richard sa teleseryeng Be Careful with My Heart, paulit-ulit siyang tinatanong kung papasukin niya ang pulitika, pero tigas ng pagtanggi niya. Sa pagkakatanda rin namin ay mas gusto niyang maging negosyante.

Hindi pa rin nagbago ang plano ng aktor nang huli namin siyang makausap sa post birthday celebration niya sa set ng Sana Dalawa ang Puso sa Antipolo City. Still “no” to politics pa rin siya noon.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Kaya tinanong namin ang taong malapit kay Richard kung ano ang nagpabago sa desisyon niya para mapa-oo ang aktor sa pagpasok sa pulitika.

Ipinasa niya ang tanong kay Richard mismo at sumagot naman ang sumikat bilang “Sir Chief”.

“I believe that we are given opportunities in life for a reason. Ang ginawa ng showbiz to me has shown me that we can effect change in every little thing that we do.

“But in our capacity medyo maliit lang ang magagawa natin. Maybe with the proper use of the resources of the government, we can bring about meaningful benefits to the citizens. Maybe it’s time to step in to do something instead of just complaining.”

Dagdag naman ng taong malapit sa aktor: “Hindi muna tumanggap ng projects to give way to politics.”

Nagtanong naman kami sa taga-ABS-CBN kung may proyekto si Richard after ng Sana Dalawa ang Puso.

“As of now po walang naka-line up, pero baka nga tumanggi kaya siguro hindi na binigyan.”

Naku, tiyak na mami-miss nang husto ng TFC subscribers si Richard Yap, dahil hindi na nila siya mapapanood sa teleserye kapag nanalo siyang congressman ng Cebu.

-REGGEE BONOAN