IT’S official, Regine Velasquez is now a Kapamilya artist after signing an exclusive two-year contract at ABS-CBN last Wednesday!

Coco copy

Present sa contract signing ang ilang Kapamilya executives like Ms. Cory Vidanes, Carlo Katigbak, ABS-CBN head, Deo Endrinal, Dreamscape head, and Direk Laurenti Dyogi.

Tatlo agad ang ipinangakong show sa Asia’s Songbird, una’y ang pagiging regular niya sa musical variety show na ASAP, pangalawa’y ang pagiging star in a musical sitcom with husband Ogie Alcasid and Ian Veneracion, at join din si Regine as one of the judges of upcoming singing competition na Idol Philippines.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Sa press conference sa Dolphy Theater after the contract signing, nagbiro pa si Regine that aside from the other shows, she is willing to make a guest appearance in FPJ’s Ang Probinsyano, starring Coco Martin.

Nangingiti ang singer-host, saba’y sabing: “Bakit hindi? Kaya ko naman yun! Ano ba gagawin ko doon, action star ba ako doon?”

Talagang gusto raw niyang makasama si Coco. “

‘Si Coco, nasa-starstruck din ako kay Coco. Ang pogi, ang cute niya, at saka ang gentleman. He’s such a gentleman and parang mahiyain siya. Katuwa!”

Minsa’y nag-joke ni Regine about FPJ’s Ang Probinsyano and her GMA-7 shows that went head-to-head against the top-rating Kapamilya show. Nangyari ito last November 12, 2017 noong mag-show si Regine sa Los Angeles with husband Ogie. Naaaliw na inalala ni Regine ang kanyang Kapuso serye na Mulawin vs. Ravena that year, where she played a nature goddess. Katapat noon ng Ang Probinsyano ang Mulawin vs Ravena.

“Namatay na kami lahat dun (Mulawin vs Ravena)! ‘Yung sa soap ko na ‘yun, goddess ako doon, eh. Namatay ako, eh! Goddess nga ako. Buhay pa rin si Coco, eh!”

Maging sa abroad, kilalang-kilala si Coco at ang Ang Probinsyano.

“Oo naman. Kasi, ‘te, sino bang walang may alam ng Ang Probinsyano? Kahit saan, Probinsyano talaga, eh. “Nung magpunta kami sa States, hindi nila alam ang show ko (Mulawin vs. Ravena) eh! Tapos nung binanggit ko ‘yung Probinsyano, nagsigawan sila! Mga bastos din ang mga ‘to, eh,” natatawang kuwento ni Regine.

Sa tatlong taong pamamayagpag sa ratings ng serye ni Coco, 10 Kapuso shows already went head-to-head with Ang Probinsyano including the ongoing Kapuso series Victor Magtanggol.

Sad to say, pinataob ni Coco ang mga nabanggit na Kapuso shows, pati na ang kay Regine.

Sakali man daw na i-guest si Regine sa serye ni Coco ay okay sa kanya. Regine even made a suggestion about the role that she would play in the action drama series.

“Pwede kaya ‘yun? Pero gusto ko ex ako, ex! Hindi, pero like I said, lahat papatulan ko, eh. Pati news! Kasi exciting, eh. Nakaka-excite. Hindi ko naman inakala na… ‘di ko ma-explain! Pero I would, it’ll be an honor to be part of Probinsyano. Lahat.”

Saludo naman si Regine kay Coco at sa Ang Probinsyano for its success.

“Pero I’m so happy for Coco, even though he doesn’t know me personally. You can see how hardworking he is as a person, as an artist. And I know, I’ve been hearing things about him that they love working with him because he’s a good… he directs, tapos magaling siyang katrabaho so hahangaan mo talaga.

“Alam mo ba, natutuwa ako na ginagawa ng Probinsyano, ‘yung binabalik nila ‘yung mga dating action stars, malaking bagay ‘yun,” sey pa ni Regine.

-ADOR V. SALUTA