Hindi nakakatuwa ang pagdagsa ng “nuisance candidates” ngayong eleksyon kaya’t dapat parusahan ang mga ito alinsunod sa Omnibus Election Code.
Ayon kay Senador Win Gatchalian, kailangang magkaroon ng linaw kung ano talaga ang ibig sabihin ng “nuisance candidates” at mapatawan ng kaparusahan.
“Nakita naman natin ‘yong mga kumandidato na alam mo namang hindi talaga seryoso o trip-trip lang ‘yong pag-file,” ani Gatchalian.
Sa kanyang Senate Bill 911, aamyendahan ang Sections 69, 261, at 269 ng Omnibus Election Code. Nakasaad dito na puwedeng makansela ang Certificate of Candidacy (CoC) ng isang kandidato kapag mapatunayang tumakbo siya para kumita ng pera. Kung ang kandidato ay nagdulot ng pagkalito sa isa pang kandidato, papatawan siya ng P50,000 multa.
Leonel M. Abasola