Hindi naging dahilan ang edad para hindi ikulong ang tatlong matanda, isang babae at dalawang lalaki, sa paglalaro ng jueteng sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

Sa report kay Northern Police District (NPD) director, Police Chief Supt. Gregorio N. Lim, kinilala ang mga nadakip na sina Alfredo Abrigo, 73, ng Tubig Street, Amparo Subdivsion, Barangay 179; Diormedo Lucero, 64, ng Cripulo St., Victory Hiehgts Subdivsion, Bgy. 180; at Eden Bangate, 64, ng Caturay St., Amparo Subdivision, Bgy. 179 ng nasabing lungsod.

Sa pahayag ni Police Insp. Melito B. Pabon ng NPD-DSOU, nagsagawa sila ng anti-gambling operation sa lugar ni Abrigo, bandang 6:30 ng gabi.

May natangagap na impormasyon ang awtoridad na nagpapatakbo ng jueteng si Abrigo.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Hinanapan ng permit mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang mga inaresto, ngunit walang naipakita kaya dinala ang mga ito sa presinto.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa PD 1602 o Illegal Gambling.

-Orly L. Barcala