Ipinagdiriwang ng gobyerno ng Amerika at ng Pilipinas ang pagkumpleto ng health project ng U.S. Agency for International Development (USAID) na nagpabuti sa kalusugan ng kababaihan, sanggol, at mga bata sa bansa.
Namuhunan ang USAID ng P4 bilyon sa buong bansa mula 2013 hanggang 2018 upang palawakin ang kalidad ng pangangalaga sa kalusugan ng mga ina, at bagong panganak na sanggol, mabawasan ang pagbubuntis ng mga menor-de-edad, at suportahan ang mag-asawa sa pagkamit ng kanilang nais na bilang ng magiging anak.
-Bella Gamotea