MASAYA ang media conference ng newest weekly talk-variety show ng GMA Network, ang Sarap, Di Ba?, na magsisimula na sa Saturday, October 20. Mapapanood ito every Saturday morning, after ng Maynila at bago ang Eat Bulaga.

Mavy, Carmina & Cassy copy

Nagbabalik ang celebrity mom-actress TV host na si Carmina Villarroel, pero this time kasama niya ang kambal nila ni Zoren Legaspi, sina Mavy at Cassy Legaspi, para sa isang family-oriented program.

Una ngang natanong ang kambal kung ano ang naging reaction nila nang i-offer sa kanila ang Saturday morning show?

Vic Sotto, nasaktan sa ginawa ng TAPE sa Eat Bulaga

“Noong una po, nag-isip kami at hindi kami nakasagot agad,” sagot ni Mavy. “Pero na-excite kami nang malaman naming kasama namin si Mom.”

“Iyon po kasi ang wish namin ni Mavy, kung gagawa kami ng show, gusto namin kasama ang isa sa member ng family, si Mom o si Tatay,” sagot naman ni Cassy. “Kaya na-excite kami nang malamang si Mom ang makakasama namin.”

Wala namang naging problema si Carmina nang magsimula na silang mag-taping.

“Hindi ko na sila kailangang i-guide, comfortable na sila,” sabi ni Carmina. “Madalas na kaming magsama-sama, kasama si Tatay, sa pagsu-shoot namin ng mga commercials, mga bata pa lamang sila. At nakakatuwa na parang itong set namin, naging extension na ng bahay namin. Kung paano ko sila kausap sa bahay, ganoon din ko sila kausapin sa show.

“Binigyan ko lamang sila ng ilang pointers, ngayong pinasok na nila nang tuluyan ang showbiz. Unang-una ang sabi ko sa kanila, you cannot please everybody, kahit gaano kayo kagaling, ang mahalaga you respect everybody. Wala naman kaming inilihim ng Tatay nila sa kanila, lahat-lahat ng nangyari sa buhay ko, sa buhay ng Tatay nila, naikuwento na namin sa kanila.

“Nakakatuwa nga na noong simula hindi nila alam na artista kami ng Tatay nila. Si Cassy, four years old na siya nang nalaman niya nang magsimula na kaming mag-shoot ng commercial. Si Mavy, five years old siya nang dumalaw sila noon sa taping namin ng Sis, at nang mapanood nila si Zoren sa Mulawin natandaan nila iyong mata raw nito ay may kulay yellow,” natatawang kuwento ni Carmina.

Ang GMA Network pala ang nag-offer na magkaroon na ng show ang kambal.

“Si Zoren na ang nakipag-usap sa kanila, kung gusto na nilang mag-artista, pero alam nilang ang priority nila ang studies nila dahil graduating na sila ng high school next year.

“Sabi nila ready na raw sila, gusto na nilang pasukin ang showbiz. Wala naman kaming problema sa mga anak namin dahil wala silang sekreto sa aming mag-asawa. Kahit maliit na bagay, pinag-uusapan namin, lagi kaming may meeting.”

Hindi ba nagtampo si Zoren na hindi siya kasama sa show?

“Naku, hindi, baka sabihin naman ng mga tao, ganid kami,” natatawang sagot ni Carmina. “Si Zoren nga ang nagsabi sa akin na tanggapin ko na itong show maganda raw para sa mga bata, light lamang at para nga lamang nasa bahay din na nagkukuwentuhan. Si Zoren naman puwedeng mag-guest, halimbawa birthday ko o sa Christmas episode.”

“Sa Saturday, guest po namin mga taga-The Clash, sina Golden at Jong at na-excite kami kasi kasama na rin namin sila sa isa pa naming show, ang Studio 7, enjoy po kami talaga. At salamat po sa mga nanood ng “Studio 7” dahil sa mataas na rating,” dagdag pa ng kambal.

Ang Sarap Di Ba? ay idinidirek pa rin ni Louie Ignacio.

-Nora V. Calderon