VALUABLE sa lahat, hindi lang sa kapwa singers, ang wisdom ni Regine Velasquez nang tanungin ng entertainment editor ng Manila Bulletin na si Jojo Panaligan kung ano ang maibabahagi niya sa ibang singers tungkol sa pamamalakad ng kanyang career.“Be kind to everyone that you work with,” simulang sagot ng Asia’s Songbird nang iharap sa media ang Asia’s Songbird bilang certified ABS-CBN talent pagkatapos pumirma ng two-year exclusive contract sa Kapamilya network.
“I think one of the reasons why I’m still here, sina Gary (Valenciano)... sina Martin (Nievera)... ang asawa ko (Ogie Alcasid), especially ang asawa ko... he is the kindest person I know. Kung paano niya itrato ang mga boss, gano’n din itrato ang mga (staff and crew na) nagbibigay sa amin ng food. If ever nga, mas binibigyan pa namin ng mas maayos pang trato.
“Si Sir Louie (Andrada, business unit head), si Louie, he-he... nang una kong nakasama naaalala ko, bata pa s’ya. Pareho pa rin s’ya, pareho pa rin ako, walang nagbago sa aming dalawa. And soon I’m gonna work with him again (sa Idol Philippines). “At ‘yon ang gusto kong ibahagi sa ibang singers, sa mga kapwa namin artists, to be kind to everyone that they work with.
“Kasi silang mga staff ang nagpapakahirap. Biruin mo, kunwari ‘yong ASAP, gagawin namin ‘yan Linggo lang. Pero ‘yong staff, buong linggo ‘yang tinatrabaho. Probably not even one week, probably even more.
“And para lang mabigyan mo sila ng right recognition, kasi ‘di naman lahat mababanggit mo sa TV para pasalamatan, you should at least treat them well,” pagtatapos ni Regine.
Sa napakaikling sagot na ito malalaman kung bakit sa dinami-rami ng dumarating-umaalis na bagong mahuhusay na singers, nananatiling maningning ang bituin ni Regine.
Pero hindi lang ito sa showbizworld kapaki-pakinabang kundi maging sa lahat ng iba’t iba pang mga larangan.
-DINDO M. BALARES