SA social media ay may isang follower na naglakas-loob na humiling kay GMA-7 executive Annette Gozon Valdes na gawing posible na mapanood si Kris Aquino sa GMA-7.

Kris copy

Hindi naman ito pinalagpas ni Kris at sinagot ang post na, “Kris Aquino in GMA-7 please, make it happen!” anang netizen na si Leni Magsipol.

Sagot ni Kris: “@lenimagsipol this is very heartwarming to read, I’d love to, I’ve always been vocal that I’d love to work with @km_jessica_soho and/or kuya Josh’s favorite Willie Revillame BUT i have limitations regarding my work hours, locations,

Chariz, Betong may ibinuking tungkol sa ugali ni Michael V.

and the number of work days i am allowed per week... nakakahiya sa @gmanetwork & the family of @annettegozonvaldes if they don’t get their money’s worth. Thank you for the uplifting wish.”

Ngayon ay priority ni Kris ang health niya at nakakatuwa ang supporter ng Queen of All Media dahil mukhang naplano na nila ang puwedeng gawin ni Kris, upang mapanood sa GMA-7 nang maaalagaan ang kanyang kalusugan. Suhestiyon ng mga ito, puwede naman daw sa studio lang si Kris at puwedeng once a week lang ang kanyang show.

Samantala, nabanggit ni Kris na siyam na iba’t ibang gamot ang kanyang iniinom araw-araw.

“Still adjusting to all my medication. There are 9 different ones but taking my ConZACE, additional vitamin D, and extra Vitamin C. And eating my veggies, fruits, cow’s milk & calcium enriched soy milk,” sabi pa ni Kris.

-NITZ MIRALLES