Inaasahan ang posibleng pagsagad ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin ngayong Oktubre, bagamat unti-unti nang bababa ang inflation rate simula sa Nobyembre.

Ayon kay Monetary Board Member Felipe Medalla, ngayong Oktubre na ang peak ng inflation at sa Nobyembre ay magsisimula nang bumaba ang mga presyo ng mga bilihin.

Noong Agosto ay nasa 6.4% ang inflation rate at nitong Setyembre ay tumaas ito sa 6.7% bunsod ng pagsipa ng presyo ng mga pagkain, produktong petrolyo, at iba pang bilihin.

Sinabi ng Board na isa sa maaaring magpababa sa presyo ng mga bilihin ay ang Rice Tariffication Bill, na magpapahintulot sa pribadong sektor na mag-angkat ng bigas mula sa ibang bansa.

National

Ilang retiradong AFP at PNP officials, sumulat kay PBBM; inalmahan 2025 nat'l budget?

Wala pang inilalabas na taya ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na inflation rate ngayong Oktubre, habangh sa Nobyembre 6 naman ilalabas ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang bagong antas ng inflation sa bansa.

-Beth Camia