MATAPOS ang maingat na pagrepaso sa tape ng nakaraang laban ng University of the Philippines at defending champion Ateneo, nakumpirma ang unsporstman-like act ni Thirdy Ravena kay Maroons skipper Paul Desiderio.

SUSPINDIDO si Thirdy Ravena na leading scorer ng Ateneo. (RIO DELUVIO)

SUSPINDIDO si Thirdy Ravena na leading scorer ng Ateneo. (RIO DELUVIO)

Bunsod nito, pinatawan ng Management Committee ang one-time MVP ng isang larong suspensyon.

Sa review, nakita ang pananapak ni Ravena kay Desiderio may 1:26 ang nalalabi sa final period ng kanilang laro nitong Oktubre 14. Nagwagi ang Ateneo, 83-66.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Nagbanggaan ang dalawa at parehong napalupasay sa sahig bago naganap ang insidente. Pinatawan lamang ng referee ng warning ang Ateneo star.

“Sa review namin, Thirdy threw a closed fist kay Desiderio. Kitang kita naman na nag-flex at may buwelo,” pahayag ng isang UAAP official na tumangging ipalimbag ang pangalan.

Dahil dito, itinaas sa unsportsmanlike foul ang naunang itinawag na ordinaryong foul kay Ravena.

Bunga nito, awtomatikong diskwalipika si Ravena na manalo ng anumang individual awards ngayong season.

Nakatakda i-serve ni Ravena ang kanyang suspensiyon sa Sabado sa laban nila kontra Far Eastern University.

Dahil naman sa kanyang ikalawang disqualifying foul ngayong season, dalawang larong suspensiyon naman ang ipinataw ng liga kay FEU forward Arvin Tolentino.

Kababalik pa lamang galing sa one-game suspensiyon, muling natawagan ng disqualifying foul si Tolentino kontra kay Zachary Huang may 15 segundo na lamang ang nalalabi sa 70-78 na pagkatalo nila sa University of Santo Tomas Growling Tigers.

Dahil dito, hindi makakalaro si Tolentino sa Sabado kontra Ateneo at sa Miyerkules laban sa UP.

Isa pang pinatawan ng suspensiyon ng liga si Javi Gomez de Liaño ng UP dahil sa dalawang technical fouls na itinawag sa kanya sa nakaraang laban nila sa Ateneo.

Hindi makakalaro si De Liaño sa susunod na laban ng UP kontra UE Red Warriors sa Linggo.

-Marivic Awitan