GINIBA ng Pamantasan ng Lungsod ng Muntinlupa Marshalls at San Beda-Rizal Red Cubs ang kani-kanilang karibal para manatiling imakulada ang marka sa 16th Fr. Martin Cup Division 2 basketball tournament.

Hataw si Christian Aljecera ng 23 puntos para sa PLMUN Marshalls na nagwagi sa San Beda Red Lions, 95-89, sa La Consolacion College of Manila gymnasium sa Mendiola.

Nag-ambag sina Buboy Barnedo at Jan Posada ng 16 at 15 puntos para sa Marshalls, nagtala ng ikaapat na sunod na panalo sa Goup A senior division.

Nag-ambag si Cedrix Aquino ng 11 puntos para matulungan ang mga Marshalls sa kampanyang makaabot sa quarterfinal.

Elasto Painters, nakabawi sa Beermen matapos ang 11-game losing streak; June Mar, nabutata!

Sa junior contest, tumipa si AC Cruz ng 16 puntos para sandigan ang 111-81 panalo ng San Beda sa St. Michael College of Laguna.

Kumana ng tig-14 puntos sina Antonio Lledo at Rhayyan Amsalipara sa ikatlong panalo sa limang laro ng Red Cubs sa Group A.

Ayon kay Commissioner Robert dela Rosa, malaki ang tsansa ng Marshalls na makasama ang Letran Knights at La Salle Green Archers sa Group B quarterfinals.

Kamakailan, nanaig ang Knights sa St. Joseph College of Bulacan, habang nagwagi ang Green Archers, sa pangunguna ni Christian Manaytay na umiskor ng 14 puntos, sa National University-A Bulldogs, 72-54.