TORONTO (AP) — Ang Canada na ngayon ang bansa na may pinakamalaking legal national marijuana marketplace sa pagsisimula ng bentahan nitong Miyerkules sa Newfoundland.

Isa si Ian Power sa mga naunang bumili ng legal recreational marijuana sa Canada ngunit wala siyang balak na hithitin ito. Plano niya itong ipa-frame.

“I am going to frame it and hang it on my wall. I’m not even going to smoke it. I’m just going to save it forever,” ani Power sa St. John’s, Newfoundland.

At dagdag na good news para sa pot aficionados: Ilang oras bago nagbukas ang retail outlets sa dulong silangang probinsiya, sinabi ng isang federal official na ipa-pardon ng Canada ang mga nahatulan sa pag-iingat ng hanggang 30 gramo ng marijuana, ang legal threshold nito ngayon.

Internasyonal

China, inalmahan maritime laws na pinirmahan ni PBBM

Legal na ang medical marijuana sa Canada simula 2001 at dalawang taong ipinursige ng gobyerno ni Prime Minister Justin Trudeau na isama na rin ang recreational marijuana. Layunin nitong isalamin ang nagbabagong opinyon ng publiko sa marijuana at ibalik ang black market operators sa regulated system.

Ang Uruguay ang unang bansa sa mundo na isinabatas ang marijuana.

Siyam na estado sa United States ang nagsabatas sa paggamit ng recreational pot, at mahigit 30 ang nag-apruba sa medical marijuana. Nitong unang bahagi ng buwan, ang California ang naging unang estado ng Amerika na isinabatas ang pagbubura sa criminal convictions para sa marijuana-related offenses na hindi na itinuturing na ilegal.

Sinabi ni Democratic Sen. Ron Wyden ng Oregon na panahon na para sundan ng U.S. government ang ginawa ng Canada.

“Now that our neighbor to the north is opening its legal cannabis market, the longer we delay, the longer we miss out on potentially significant economic opportunities for Oregon and other states across the country,” saad sa kanyang pahayag.