MOSCOW (Reuters, AP) – Nasawi ang 19 katao at 50 iba pa ang nasugatan sa isang kolehiyo sa Black Sea region ng Crimea nitong Miyerkules nang mamamaril ng mga kapwa niya mag-aaral ang isang estudyante bago nagpakamatay.

ISINASAKAY ng medics sa ambulansiya ang isang sugatan sa pamamaril sa isang kolehiyo sa Kerch, Crimea, nitong Miyerkules. (AP/ Viktor Korotaev/ Kommersant )

ISINASAKAY ng medics sa ambulansiya ang isang sugatan sa pamamaril sa isang kolehiyo sa Kerch, Crimea, nitong Miyerkules. (AP/ Viktor Korotaev/ Kommersant )

Pumasok ang 18-anyos na si Vladislav Roslyakov sa kanyang kolehiyo sa Kerch City na may dalang armas at bigla na lamang namaril, ayon sa mga imbestigador. Natagpuan siyang bangkay kalaunan at may tama ng bala ng sariling baril.

Hindi pa malinw kung ano ang nagtulak kay Roslyyakov, inilarawang mahiyain at palaging nag-iisa, na gawin ang krimen. Nakita sa security camera na kalmado siyang naglakad pababa ng hagdan ng eskuwelahan, hawak ang shotgun.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

“He was walking around and shooting students and teachers in cold blood,” sinabi ni Sergei Aksyonov, regional leader sa Crimea.

Sinabi ng mga opisyal na nagpakamatay ang fourth-year student sa library ng Kerch Polytechnic College matapos ang pag-atake. Ang kanyang ina, isang nurse ay tumutulong sa paggamot ng mga biktima sa isang lokal na ospital at walang kamalay-malay na ang anak niya ang akusado, at patay na.

Inilarawan ng mga estudyante at staff ang tarantang pagtakbuhan sa gusali. Sinabi nila na nagsimula ang pag-atake sa isang pagsabog na sinundan ng marami pang pagsabog at pag-ulan ng mga bala.

Iniulat ng ilang pahayagang Russian na iniwan ng suspek ang kanyang backpack na may lamang pampasabog sa cafeteria at pinasabog ito gamit ang remote control bago sinimulan ang pamamaril.

Nagdeklara si Russian President Vladimir Putin, nasa southern Russian resort ng Sochi at nakikipagpulong sa kanyang Egyptian counterpart, ng mga sandali ng katahimikan para sa mga biktima. “This is a clearly a crime,” aniya. “The motives will be carefully investigated.”

Pagkatapos ng pag-atake sinabi ng Russian officials na iniimbestigahan nila ang posibilidad na ito ay terorismo.

Gayunman, sinabi kalaunan ng Investigative Committee, ang ahensiyang nagsisiyasat sa malalaking krimen, na binago nila ang klasipikasyon ng kaso mula sa terorismo patungo sa mass murder